Aktor at aktres, sinabihang maging discreet sa kanilang relasyon

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2018

"You and me against the world" ang pakiramdam ng aktor at ng aktres na may relasyon.

Ito ay dahil pinakiusapan sila ng TV network management na maging discreet bilang proteksiyon sa mga ka-love team nila.

Iyak nang iyak ang aktres nang kausapin siya ng network representative at sabihang hindi nakikialam ang management sa pakikipagrelasyon niya sa aktor, pero hindi sila dapat makita sa public places dahil makakaapekto ito sa mga project na pagtatambalan nila ng kanyang original partner.

Continue reading below ↓

Bukod sa pakiusap na maging discreet sila ng kanyang boyfriend, may isyung "banned" ang aktres sa bahay ng aktor.

Miyembro ng isang religious community ang aktor at ang pamilya nito.

Diumano, nakarating sa kaalaman ng religious community leaders ang madalas na pagbisita ng aktres sa bahay ng aktor.

Tinututulan ito ng religious community leaders dahil ipinagbabawal ito sa kanilang relihiyon.

In fairness sa aktor at aktres, pilit na inililihim ng dalawa ang kanilang love affair, pero ipinapahamak sila ng mga social media posts nila.

Sa tuwing magkasama sa pagbabakasyon, may tendency na makalimot ang dalawa sa mga inilalagay sa kanilang social media accounts dahil nangingibabaw ang sobrang kaligayahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results