Sophie Albert, hindi imbitado sa kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla?

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2018

“Ahhh… hindi naman po yata mangyayari sa tingin ko,” ang tila clueless na sagot ni Sophie Albert nang tanungin ito sa presscon ng Recipe For Love kung imbitado siya sa civil wedding nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, na diumano’y magaganap sa isang lugar sa Bataan sa November 18, 2018. 

"Hindi ko po alam," ang pambawing sagot ni Sophie.

 IMAGE Noel Orsal
Continue reading below ↓

Kasintahan ni Sophie si Vin Abrenica, ang nakababatang kapatid ni Aljur.

Ani Sophie, "Kylie and I are okay naman. We communicate.

"Pero si Vin kasi and AJ [Aljur's nickname], hindi sila masyadong nagkikita because they’re both busy.

“So kaming dalawa ni Kylie, nagkikita lang kapag nagkikita yung magkapatid.”

Gaya ng love story nina Aljur at Kylie, nagkahiwalay noon sina Sophie at Vin pero nagkabalikan sila.

“We had a short break. Nung nag-break kami, hindi yung break na talagang 'Magkalimutan na tayo,' hindi na mag-uusap.

“It was more of walang nangyayari sa amin.

“I mean, kaming dalawa nga pero yung careers namin, wala. Parang marami kaming napabayaan,” pagtatapat ni Sophie na hindi na maalaala kung kailan sila nag-reconcile ni Vin.

“Hindi ko na nga maalaala kung when exactly kami nag-break at when kami exactly nagkabalikan.

"But because we were in constant communication, so parang ano bang sense nito kung palagi tayong nag-uusap, e, di magbalikan na tayo.”

Continue reading below ↓

Aminado si Sophie na kinakabahan at sinusumpong pa rin siya ng hiya bago siya humarap sa camera, tulad ng nangyari sa shooting ng Recipe for Love, pero nawawala ang nararamdaman niyang nerbiyos kapag umaarte na siya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results