Edu Manzano, inalmahan ang isyu ng PNP sa Ang Probinsyano

Edu Manzano, inalmahan ang isyu ng PNP sa Ang Probinsyano
by Jojo Gabinete
Nov 16, 2018

Lumikha ng debate ang concern ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde, tungkol sa pagsasabuhay sa mga kapulisan sa FPJ's Ang Probinsyano, ang primetime action-dram series ng ABS-CBN.

 IMAGE Noel Orsal

May mga kumakampi kay Albayalde, pero higit na marami ang nagsasabing walang dapat ipag-alala ang PNP chief dahil naiintindihan ng viewers na purely-fictional lamang ang mga eksenang napapanood nila sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang halimbawa si President Lucas Cabrera, ang ginagampanang papel ni Edu Manzano, na sagad ang kasamaan sa Ang Probinsyano.

Alam ng publiko na sa tunay na buhay ay hindi ganoon ang pag-uugali ni Edu.

Kontrabidang nagpapanggap na bida si President Cabrera, na kunwari'y malaki ang malasakit sa sambayanang Pilipino.

Pero hindi natin narinig na pumalag si President Rodrigo Duterte—o ang ibang dating pangulo ng Pilipinas—dahil lang dito.

Inalmahan din ni Edu ang concern ni PNP Chief Albayalde.

"How the police authorities are portrayed in the teleserye is not exclusive to the Philippines," paglilinaw ni Edu sa panayam ng Cabinet Files.

"The depictions are a product of the vivid imagination of the writers, and actual events that are woven together to present a colorful and interesting story for the televiewers."

Kung may mga eksena mang sumasalim sa current events, ang sabi ni Edu, "I trust the Filipino [audience] can tell the difference between fact and fiction."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung si Edu nga ay hindi apektado sa bad image ng kanyang karakter, gayong sa totoong buhay ay kakandidato siya sa 2019 elections.

Si Edu ay tumatakbong congressman sa lone district ng San Juan sa May 2019 mid-term elections.

Naaaliw raw ang Kapamilya actor sa halos pare-pareho at pabirong tanong ng kanya ng mga tiga-San Juan na nakakasalamuha niya. 

Biro raw ng mga ito kay Edu, "Presidente ka na ng Pilipinas sa FPJ's Ang Probinsyano, kaya bakit ka pa kakandidato na congressman ng San Juan?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results