Isang member ng TNT Boys, nag-"come out" on national television

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2018

Ang interview sa nanay ni Regine Velasquez at ang panayam ni Sarah Geronimo sa mga ama ng tatlong miyembro ng TNT Boys ang dalawa sa mga highlight ng grand launch ngayong tanghali ng ASAP Natin ‘To, ang reformatted Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

Nagpakatotoo si Mrs. Teresita Velasquez, ang nanay ni Regine sa pahayag nito na dahil sa tagumpay ng kanyang anak, yumaman sila.

 IMAGE @reginevalcasid on Instagram
Continue reading below ↓

“Siyempre, nagpapasalamat ako sa kanya kasi napagtapos niya ang mga kapatid niya. Yumaman kami, totoo nga, sasabihin ko, yumaman talaga kami dahil sa kanya,” ang straightforward na sabi ng ina ni Regine na nagpatunay sa kabutihan at generosity ng anak niya sa kanilang pamilya at sa ibang mga tao.

Mahaba ang introduction kay Regine bilang pinakabagong cast member ng ASAP Natin ‘To at ang mga grand champion ng iba’t ibang singing competitions sa telebisyon ang nakasama niya sa kanyang production number—sina Erik Santos, Noven Belleza, Mitoy Yonting, Jed Madela, Marcelito Pomoy, Angeline Quinto, Janine Berdin, Frenchie Dy, KZ Tandingan, Elha Nympha, at Jonalyn Viray na kinilala ng ASAP bilang grand winner noong 2005 ng Pinoy Pop Superstar, ang singing talent show ng GMA-7.

Ang pagiging “malambot“ nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion ang itinanong ni Sarah sa mga ama ng young members ng TNT Boys.

 IMAGE @thetntboys on Instagram
Continue reading below ↓

On national television, “nag-come out” ngayong hapon si Francis na naging emosyonal nang marinig ang sagot ng kanyang ama tungkol sa obserbasyon na “malalambot” ang TNT Boys.

“Oh my God, iiyak ako. Tanggap ako ng tatay ko, guys” ang napaluhang sabi ng 12-year-old singer, sabay yakap sa kanyang co-member na si Mackie Empuerto.

 IMAGE @thetntboys on Instagram
Continue reading below ↓

“Since maliit pa, kasa-kasama ko na yung bata, hindi naman natin alam ang future. Kung sakaling ganoon, okey lang, anak mo pa rin yan, tanggap ko pa rin," ang sagot ng ama ni Francis sa tanong ni Sarah na nakapagpaiyak sa anak niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results