Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aktres, matibay ang ebidensya laban sa aktor na boyfriend

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2018

May kasabihang kapag nagpagupit ng buhok o nagbago ang hairstyle ng isang babae, malaki ang posibilidad na may pinagdaraanan itong krisis sa pag-ibig.

Ganito ang pinaghihinalaang nangyayari ngayon sa aktres na napabalitang hiwalay na sa kanyang actor-boyfriend.

Pinaigsian ng aktres ang dating buhok na mahaba mula nang kumalat ang intriga na may malaking problema sa relasyon nila ng aktor.

Continue reading below ↓

Hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa rumored breakup nila ng aktor pero ang mga tao sa paligid niya ang nagkukuwento sa kanyang natuklasan.

Diumano, nagising ang aktres sa katotohanan nang makatanggap siya ng mga ebidensya—ang screenshots ng mga incriminating text message ng kanyang boyfriend sa iba’t ibang mga babae na matibay na pruweba na hindi faithful ang aktor sa relasyon nila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Naniniwala ang aktres na totoo at hindi imbento lamang ang mga screenshot na ipinadala sa kanya dahil alam niya ang paraan ng pakikipag-komunikasyon ng aktor.

Hindi pa alam ng aktor ang mga ebidensya na hawak ng aktres kaya umaasa pa siya na maaayos ang kanilang problema at magkakabalikan pa sila.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, blind item
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results