Vic at Joey, nasorpresa nang makita muli ang isang miyembro ng Tiongco Brothers

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2018

Kapwa nasorpresa sina Vic Sotto at Joey de Leon nang sabihin ng 82-year-old winner ng "Juan for All, All for Juan" segment ng Eat Bulaga! ngayong hapon, November 19, na siya si Jun Tiongco ng sikat na Tiongco Brothers.

Ang Tiongco Brothers ang legendary Filipino trio na nagsimula ang singing career noong 1958.

Continue reading below ↓

Dumayo sa Sta. Rosa City, Laguna, ang Dabarkads na sina Jose Manalo, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, at Ryan Agoncillo para sa "Juan for All, All for Juan" at si Mang Jun ang lucky contestant na napili.

Nang itanong ni Joey kung related si Mang Jun sa Tiongco Brothers, sinabi ng winner na isa siya sa mga member ng Tiongco Brothers, na ikinagulat nina Vic at Joey.

Lumitaw ang pagiging fan nina Joey at Vic nang humiling sila na kumanta si Mang Jun at nagpaunlak itong  awitin ang "Love is a Many Splendored Thing" na signature song ng Tiongco Brothers.

Nag-trip down memory lane ang tatlo dahil kinumusta ni Joey kay Mang Jun ang mga kapatid nitong sina Arthur at Emil, na asawa ng nakababatang kapatid ng pumanaw na aktres na si Charito Solis.

Ipinaalaala ni Mang Jun kay Joey na matagal na panahon ang nakalilipas buhat nang magkita sila sa Eduardo’s, ang sikat na club sa Roxas Boulevard na dinarayo noon ng mga sikat na personalidad.

Continue reading below ↓

"Si Joey, matagal na kaming hindi nagkakausap. Ang huling-huli namin, sa Eduardo’s pa.

"Ang sabi sa akin ni Joey, ‘Jun, abangan mo. Meron akong itatayong grupo, yun pala, yun ang Tito, Vic & Joey,' ang pagbabalik-tanaw ni Mang Jun.

Biro naman ni Vic, "Pantapat sana yun sa Tiongco Brothers."

Sa huli, sinabi ni Vic na ipinagmamalaki nila ang Tiongco Brothers, na itinuturing na mga icon sa Philippine music industry at nagbigay ng mga karangalan sa ating bansa nang magtanghal sila sa iba’t ibang panig ng mundo noong aktibo pa ang trio.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results