Misleading ang information ad ng MMDA at 2018 Metro Manila Film Festival na napapanood sa mga sinehan.
Mali kasi ang pamagat ng pelikula nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza na binanggit ng isang MMFF official na tampok sa video.

Instead of Jack Em Popoy, "Popoy En Jack" ang sinabi ng MMFF official.
Kaya mahahalatang ginawa ang information ad bago pa nagkaroon ng final decision ang mga producer ng pelikula na isali si Maine sa cast.
Nagbibigay ng kalituhan sa moviegoers ang information ad, pero dagdag-gastos sa MMDA at sa organizers ng MMFF 2018 kung papalitan pa nila ang misleading campaign na humihimok sa lahat na suportahan ang mga pelikulang Pilipino na kalahok sa film festival sa December.
Ang Jack Em Popoy ang unang pagtatambal sa pelikula nina Vic at Coco.
Ironically, halos araw-araw na napapanood ang certified Kapamilya star na si Coco sa timeslot ng Eat Bulaga dahil sa paulit-ulit na airing sa GMA-7 ng teaser ng kanilang official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Trivia: Naging Kapuso rin si Coco noong hindi pa ito big star ng ABS-CBN dahil kasama siya sa cast ng Isla Chikita, ang Season 15 title ng Daisy Siete, ang top-rating afternoon drama series ng GMA-7 noong 2007.