Anak ni Maricel Morales kay Ace Espinosa, napagkakamalang boyfriend niya

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2018

Dalawang aspiring actors ang nangangarap makapasok sa local entertainment industry—ang 19-year-old na si Ace John Espinosa at ang 21-year-old half Filipino- half French na si Andre Brouillette.

Sounds familiar ang pangalan ni Ace John dahil anak siya ng former action star na si Ace Espinosa at ng ex-beauty queen-turned-actress na si Maricel Morales.

Maricel Morales and son John Ace Espinosa
 IMAGE Jojo Gabinete
Continue reading below ↓

Namataan kahapon ng Cabinet Files ang mag-ina sa opisina ng Viva Films habang nagaganap ang story conference ng Indak, ang upcoming movie nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Ayon kay Maricel, tatlong taon nang contract star ng Viva Artists Agency ang panganay na anak nila ni Ace, pero hindi ito masyadong active dahil naging priority ni AJ ang pagpasok sa school.

Ngayong wala nang conflict sa pag-aaral niya, desidido si AJ na mag-focus sa pag-arte.

Sampung taon nang hiwalay sina Ace at Maricel, pero may communication pa rin sila at nananatiling magkaibigan.

Canada-based na si Ace na nakatagpo na ng bagong pag-ibig; at ganoon din si Maricel na kandidato na vice mayor ng Angeles City, Pampanga, sa midterm elections sa May 2019.

Dahil young-looking pa rin, madalas napagkakamalan si Maricel na girlfriend ng panganay nila ni Ace.

On the other hand, bumalik ng bansa si Andre Brouillette para tuparin ang ambisyon niyang maging artista, sa tulong ng kanyang manager na si Jonas Gaffud.

Continue reading below ↓
Andre Brouillette
 IMAGE Jojo Gabinete

Lumaki si Andre sa Hawaii pero mula sa Pangasinan ang nanay niya.

Bago umuwi ng Pilipinas si Andre, isang taon siyang namalagi sa Japan at lumabas sa isang programa ng NHK, ang national public broadcasting organization ng mga Hapon.

Fluent si Andre sa pagsasalita ng Japanese language kaya madalas siyang napagkakamalang Japanese, na epekto rin umano ng madalas na pagkain niya ng sushi.

Continue reading below ↓

Right now, pinag-aaralang mabuti ni Andre ang pagsasalita ng Tagalog bilang paghahanda sa kanyang showbiz career.

Nagbida na siya sa isang local short film na may pamagat na The Scarf.

Plano niyang gamiting screen family name ang Javelona, ang maiden family name ng kanyang ina dahil mahihirapan ang mga Pilipino na bigkasin at tandaan ang Brouillette.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results