Andre Paras, kinumpirmang dumaan sa depression ang kapatid na si Kobe

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2018

Noong nakaraang buwan, umuwi mula sa London si Jackie Forster at ang pamilya nito para sa post-birthday celebration sa Pilipinas ng kanyang mga anak na sina Kobe at Caleigh (September 19 and September 20,
respectively) at sa advance birthday celebration (November 1) ng panganay niyang si Andre.

Mahigit isang linggong namalagi sa Pilipinas si Jackie, ang kanyang mga anak na sina Jared, Caleigh, Yohan, at ang asawa niyang si Michele.

Pero hindi pa rin nakilala nang personal ng tatlong bata ang kanilang Kuya Andre dahil hindi ito nagkaroon ng panahong magpakita sa kanila.

Iniwan na lang ni Jackie sa second son niyang si Kobe ang kanyang mga birthday gift para kay Andre.

Andre Paras
 IMAGE Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Andre na natanggap niya ang regalo ng ina nang makausap siya ng Cabinet Files sa taping ng primetime program ng GMA-7, ang Pamilya Roces, kagabi, November 23.

"I think I remembered she gave me, like, a bag ng mga t-shirt. Madami, mga ten pieces," sagot ni Andre nang tanungin tungkol sa regalong natanggap niya mula sa kanyang tunay na ina.

Nag-post naman si Kobe sa Instagram account nito ng heartfelt birthday message para kay Andre.

Bihira nang magkita ang magkapatid dahil pinili ni Kobe na mamuhay nang solo.

Sabi pa ni Andre, "I was thankful. We were able to talk.

"Kobe and I, we're okay.

"No matter what happens, kahit he lives alone for school purposes, basketball, once in a while, we get to see each other.

"Kasi mahirap ang training niya, gabi, then pagod, so minsan hindi kami nagkakasalubong."

 IMAGE @_kokoparas on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inamin ni Andre na dumanas ng depression ang nakababatang kapatid.

"Kobe’s okay. He’s fine.

"All he needed was love, friends, and family, that’s it. We were there kaagad.

"No matter what happens, I am here to support my brother.

"If anyone is going through the same thing, it’s best talaga you just have friends and family.

"That’s the only key, there’s no, like, materialistic thing na ‘I’m gonna give you money, sana okey ka. I’m gonna give you this car or gift.'

"It’s usually the presence of someone for them.”

Unlike Kobe, hindi raw nakaranas si Andre ng depression dahil, ayon sa kanya, natural siyang masayahin.

"I am really a happy person. I don’t know the signs of that. I don’t know anything.

"I am really scared about this topic kasi I have friends or I know people who claim about this.

"No matter what happens, you just gotta contact them, kahit medyo kilala or not, 'Hey, are you okay?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me, that’s something important.

"Just that question, I guess all they need to do is open up," paniniwala ni Andre tungkol sa depression.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results