Mrs. Universe 2018, gaganapin sa December 10 sa Cebu City

IMAGE Jojo Gabinete


Nakasentro sa Miss Universe 2018 na magaganap sa Bangkok, Thailand, sa December 17 ang atensiyon ng mga mahihilig sa beauty pageant, kaya hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang Mrs. Universe 2018 na idaraos sa Cebu City.

Ang 42-year-old na si Beau Singson-Villanueva ang appointed official representative ng Pilipinas sa 41st Mrs. Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Patricia Javier (left) and Beau Singson-Villanueva
 IMAGE Jojo Gabinete

Magaganap ang coronation night nito sa December 10 sa Sky Hall ng SM Seaside, Cebu City.

Walumpu’t pitong kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang makakalaban ni Beau.

Umaasa si Beau na makukuha niya ang korona na malaking karangalan para sa Pilipinas at makatutulong para sa kanyang advocacy—ang paglaban sa domestic violence.

"Wala kahit sino ang may karapatan na manakit sa sinuman. You don’t have the right.

"We have to respect each other and be a blessing to everyone," sabi ni Beau.

Aminado si Beau na nakakaramdam na siya ng kaba, pero malaking bagay na mangyayari sa bansa natin ang grand coronation ng 41st Mrs. Universe dahil sa mga suporta na natatanggap niya mula sa ating mga kababayan.

"Forty-one years na ang Mrs. Universe and it’s a privilege na first time na host country ang Pilipinas, then ako ang representative," pahayag ni Beau.

Si Beau ay Tourism graduate sa University of Sto. Tomas, 19 taon na naninirahan sa Australia, nagbitiw sa kanyang trabaho bilang general manager ng Lupus Foundation Inc., at umuwi ng Pilipinas para sumali sa Mrs. Universe 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nararamdamang pressure si Beau dahil ayaw niyang mapahiya ang bansa natin kaya todong paghahanda ang kanyang ginagawa.

Hiningi ni Beau ang tulong ni Rodgil Flores ng Kagandahang Flores camp, na nagturo sa kanya ng wastong paglalakad sa stage.

At sa loob ng isang buwan, nabubuhay lamang siya sa pagkain ng kamote.

Hindi lamang si Beau ang nag-iisang Pilipino na contestant sa 41st Mrs. Universe dahil mga Pilipino rin ang mga delegate ng Australia at Canada.

As a matter of fact, nasorpresa si Bea nang malaman nitong magkapitbahay sila ng isa sa mga makakalaban niya.

Required si Beau na salubungin sa airport ang lahat ng mga kandidata ng 41st Mrs. Universe kaya pupunta na siya sa Cebu sa Biyernes, November 30.

Suportado ni Patricia Javier, ang Mrs. Universe Philippines 2019 title-holder ang pagsali ni Beau sa Mrs. Universe 2018, kaya lilipad din ang aktres sa Cebu at mag-oobserba.

Dahil sa susunod na taon, siya naman ang official representative ng Pilipinas sa 42nd edition ng Mrs. Universe na magaganap sa Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN