Actress A, hiniling na huwag makatabi si Actress B sa Christmas station ID


Pinag-uusapan sa bakuran ng isang television network ang munting hiling ni Actress A sa management na huwag silang pagtabihin ni Actress B sa Christmas Station ID shoot para maiwasan na ang mga pang-iintriga sa kanila.

Maayos at maganda ang pagkakasabi ni Actress A kaya pinagbigyan siya ng management, na nauunawaan ang sitwasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan nang nagkaroon ng "silent feud" ang dalawang aktres dahil na-link si Actress B sa aktor na boyfriend ni Actress A na nakasama niya sa isang project.

Dahil parehong mga edukada, hindi nagsalita sina Actress A at Actress B tungkol sa kontrobesiya at alleged love triangle nila.

Nanahimik din ang aktor na ugat ng silent feud ng mga aktres na civil sa isa't isa, pero hangga't maaari, umiiwas na magkrus ang kanilang mga landas.

Namatay nang kusa ang isyu at para hindi na ito maungkat, hiniling ni Actress A na paghiwalayin ang puwesto nila ni Actress B sa Christmas Station ID shoot ng television network.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN