Kim Chiu, willing bayaran ang rights ng kanta ni TJ Monterde para maging theme song ng One Great Love

by Jojo Gabinete
Dec 4, 2018
PHOTO/S: TJ Monterde Instagram

Ang boyfriend ni KZ Tandingan na si TJ Monterde ang umawit ng "Dating Tayo," ang official theme song ng One Great Love.

Ang One Great Love ng Regal Entertainment, Inc. ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2018 at pinagbibidahan nina Kim Chiu, Dennis Trillo, at JC de Vera.

Ang "Dating Tayo" ang favorite song ni Kim at siya ang may idea na gamitin ang kanta bilang theme song ng One Great Love.

Ang balitang nakarating sa amin, may kamahalan ang presyo para makuha ng Regal ang karapatang gamitin ang kanta ni TJ sa One Great Love.

At dahil masidhi ang kagustuhan ni Kim na magamit na theme song ng pelikula nila ang "Dating Tayo," nagboluntaryo umano ang aktres na ito na lang ang magbabayad sa rights ng kanta bilang malaki ang talent fee na natanggap niya para sa isang bagong endorsement.

Nagulat at natawa si Kim nang sabihin namin sa kanya ang anecdote na nakarating sa Cabinet Files, pero hindi niya itinanggi ang kuwento.

Continue reading below ↓

"Oo, kasi ayaw nila yung theme song!" ang natatawang reaksiyon ni Kim.

"Yun ang pinapakinggan ko habang ginagawa namin ang One Great Love. Yun na talaga ang nasa isip ko.

"Parang yun ang every morning tugtog ko para ma-set yung mood ko!"

"Buti na lang hindi natuloy na ikaw ang nagbayad," tukso namin kay Kim.

Sagot niya, "Hindi, hehehehe! Sabi ko, 'Hati tayo sa bayad.' Hehehehe!"

Kilalang-kilala ni Kim si TJ dahil boyfriend nga ito ni KZ at madalas na guest noon sa ASAP.

"Dyowa siya ni KZ. Lagi siya sa ASAP 'tapos Bisaya rin siya.

"Sobrang bait niya at ang dami niyang views sa YouTube.

"Hindi nila alam. Sabi ko, 'Alamin niyo. Sikat siya,'" sabi ni Kim.

Malaki ang posibilidad na manalo si Kim ng best actress sa MMFF 2018 dahil sa kanyang outstanding performance, ayon sa One Great Love director na si Eric Quizon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: TJ Monterde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results