Maymay Entrata, lumabas ang pagka-fan nang makaharap si Dingdong Dantes

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2018
PHOTO/S: Allan Sancon

Napasigaw at nasuntok ni Maymay Entrata si Edward Barber dahil sa sobrang tuwa nang mangibabaw ang pagiging fan niya nang magkakilala sila ni Dingdong Dantes sa set ng Fantastica, ang official entry ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2018.

Continue reading below ↓
Dingdong Dantes and Maymay Entrata
 IMAGE Allan Sancon

Muling kinilig si Maymay nang ikuwento nito sa presscon ng Fantastica sa Dolphy Theater kagabi, December 4, ang unang beses na pagkikita nila ni Dingdong.

Nakatalikod daw si Dingdong nang dumating si Maymay sa set ng pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Nang lumapit si Maymay kay Dingdong para bumati, humarap ang Kapuso actor, na ikinagulat nang husto ng Kapamilya young actress dahil hindi nito inaasahang makikilala nang personal ang aktor na napapanood lamang niya sa TV noong naninirahan pa siya sa Cagayan de Oro at hindi pa sumasali sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Fan na fan si Maymay nang makaharap niya si Dingdong dahil nagpakuha agad siya ng litrato kasama ang Kapuso star.

Dahil surreal sa kanya ang eksena at karanasan, napasigaw sa tuwa at hindi sinasadyang nasuntok ni Maymay si Edward na co-star din niya sa Fantastica.

Sikat na sikat ngayon si Maymay dahil marami ang may gusto at natutuwa sa ugali niyang parang hindi apektado ng popularidad na kanyang tinatamasa sa kasalukuyan.

Continue reading below ↓

Ang manatili ang down-to-earth personality ni Maymay ang hiling ng mga humahanga sa kanya dahil, realistically speaking, normal sa lahat ng mga artista na nagkakapangalan sa showbiz ang pagbabago ng kanilang mga ugali at lifestyle.

Sa kaso ni Maymay, mapagkumbaba pa rin siya at mahal na mahal ng masa, kung pagbabatayan ang halos lahat ng mga positive comment tungkol sa kanyang ugali at mga achievement sa dalawang taong pagiging artista niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results