Aktres na biglang nawala sa sirkulasyon, in the family way?

Nasa interesting stage ang bagong isyu tungkol sa aktres na missing in action at hindi na rin active sa social media.

Ang boyfriend na aktor ang pinaghihinalaang dahilan ng biglang pagkawala ng aktres sa sirkulasyon.

May mga speculation na nangibang-bansa ang aktres kaya lalong lumakas ang mga haka-haka na buntis siya.

Open pa rin sa public ang social media account ng aktres, pero deactivated ang mga comment.

May nag-aakalang sinadya ito para hindi makapag-post ng mga opinyon ang kanyang followers at fans na nahihiwagaan sa sudden disappearance niya sa showbiz.

Noong nakaraang buwan, matagal na nagbakasyon ang aktor, pero walang nakaalam sa lugar na pinuntahan niya.

May mga dudang magkasama sila ng kanyang girlfriend na pinaghihinalaang "in the family way."

For now, mga wild rumor pa lang ang umiiral sa tunay na dahilan ng pagpapahinga ng aktres dahil siya lamang ang makapagsasabi ng kanyang tunay na sitwasyon sa kasalukuyan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN