Ronnie Liang, nagulat na pareho sila ni Christian Bautista na may "Ligaya" revival

by Jojo Gabinete
Dec 12, 2018

Kasama ang revival ng "Ligaya," original song ng The Eraserheads, sa Ronnie Liang 12, ang 5th studio album sa Viva Records ni Ronnie Liang.

Pero nagulat si Ronnie nang malaman niyang naglabas din si Christian Bautista ng sariling version ng nabanggit na kanta.

Natapos na ni Ronnie ang recording ng "Ligaya" nang may magparating sa kanya na ni-revive at ni-release ni Christian ang hit song ng The Eraserheads.

Continue reading below ↓

Itinaon ito ni Ronnie sa pagpapakasal ng singer-actor sa Bali, Indonesia, noong nakaraang buwan.

Reaksiyon ni Ronnie, "Someone sent me the link.

"Nagulat ako at natawa dahil sabay kami na nagpo-promote ng 'Ligaya.'

"Napakinggan ko na ang version ni Christian at ibang-iba siya.

"Yung 'Ligaya' version ni Christian, ballad or mellow.

"Yung version ko, upbeat pa rin."

Masaya si Ronnie dahil, diumano, most requested song sa mga FM station kaya malapit nang mapanood sa mga music channel ang music video ng "Ligaya," na kinunan sa historic Fort Santiago.

Ibinalita rin ni Ronnie na special guest siya New Year countdown ng Marriott Manila sa December 31.

Muli silang magkakasama ni Sarah Geronimo sa This Is Me concert nito sa Baguio City sa February 2, 2019.

Excited si Ronnie dahil matutupad sa susunod na taon ang collaboration nila ni Sarah, ang kanilang duet song.

Pinaghahandaan na rin ni Ronnie ang major concert niya sa New Frontier Theater sa May 2019.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results