Ex-matinee idol, pinaghihinalaang lulong ulit sa drugs

Pinagsususpetsahan na lulong uli sa masamang bisyo ang ex-matinee idol dahil kakaiba ang inaasal at ikinikilos niya.

Gising sa magdamag ang aktor, at tuwing madaling-araw, ugali na niya ang mag-react sa mga social media post ng kanyang mga kakilala—artista man o ordinaryong tao.

Kadalasan, mga pang-iinsulto ang mga komento ng aktor kaya malakas ang dudang wala siya sa katinuan dahil sa bisyo na kanyang inamin noon pero itinigil na raw niya.

Iniiwasan at kinabubuwisitan na siya ng kanyang social media friends dahil sa mga negative comment at reaction niya.

Patol din nang patol ang aktor sa mga isyu na hindi siya ang direktang sangkot.

Noong kasikatan ng aktor, click sa lahat ang mga biro niyang hindi na nakakatawa nang tumanda na siya.

Ngayong may edad na ang aktor, corny at foul na ang kanyang mga biro na nagpapatunay na hindi siya nag-mature at walang pinagkatandaan.

May mga haka-haka na posibleng muling gumamit ng droga ang aktor dahil hindi nito matanggap na hindi na siya sikat at wala nang mga assignment na dumarating sa kanya, sa telebisyon at pelikula.

Napabayaan na rin ng aktor ang sarili dahil matandang-matanda na ang hitsura niya kung ikukumpara sa kanyang edad.

Naglaho na ang kaguwapuhan niyang pinagpapantasayahan ng mga kababaihan na nagkakandarapa noon sa paghabol sa kanya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN