Anak nina Dan Fernandez at Shiela Ysrael, pinasok na rin ang showbiz

by Jojo Gabinete
Dec 14, 2018
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Supportive mother ang former actress na si Shiela Ysrael kay Danzel, ang 20-year-old eldest son nila ng former actor at incumbent Sta. Rosa City, Laguna Mayor Dan Fernandez.

Gaya ng U.P. Maroons player na si Ricci Rivero, introducing star si Danzel sa Otlum, ang official entry ng Horseshoe Studios sa 44th Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jojo Gabinete

Pinayagan nina Dan at Shiela na subukan ni Danzel ang pag-aartista dahil nagustuhan nila ang kuwento ng Otlum. 

At higit sa lahat, walang conflict ang shooting ng pelikula sa pag-aaral ni Danzel na honor student sa De La Salle University.

Bago nag-umpisa ang filming ng Otlum, si Shiela ang nagsilbing acting coach ni Danzel dahil nagkaroon sila ng script reading sa bahay nila. 

Si Shiela raw ang nagturo sa anak ng wastong emosyon sa pagbibitaw ng mga linya.

“Alalay lang naman, hindi naman stage mother,” ang sagot ni Shiela sa mga tanong kung handa na ba siyang maging stage mother kay Danzel.

Hindi itinanggi ni Shiela na nami-miss nito ang showbiz, pero top priority niya ang pag-aalaga kay Dan at sa tatlo nilang anak na may edad na 20, 18 at 15 years old.

Patuloy ni Shiela, “Ang showbiz, ang feeling ko, para kaming nag-a-apply ng trabaho. You have to be physically present.

Continue reading below ↓

"Pero siguro, ngayon puwede na kasi malalaki na sila.

“Before, nag-concentrate talaga ako sa pag-aalaga sa kanila. Si Dan, ito politics, so he’s always out of the house.

"Walang mag-aalaga sa mga bata, kawawa naman sila if you leave them alone. Nakakakonsensiya talaga na aalis ka."

Naudlot man ang showbiz career ni Shiela, naging successful housewife and mother naman ito dahil mahusay ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak.

Dahil parehong nag-artista sina Shiela at Dan, hindi na rin nakapagtataka na ginusto ng anak nilang si Danzel na pumasok sa showbiz. 

Sa presscon kagabi ng Otlum, hindi mapagkakamalang baguhang artista si Danzel dahil confident siya sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng entertainment press.

Kitang-kita rin ang excitement ng binata na sumabak sa showbiz. 

Cute ang eksena na panay ang senyas ni Danzel sa kanyang ina na kunan siya ng litrato at video habang nagaganap ang question-and answer-portion ng Otlum.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results