Sunshine Dizon, hindi isinasara ang pinto para sa pagbabalikan nila ng mister

Nadagdagan ang mga kaalaman ni Sunshine Dizon tungkol sa pakikipagrelasyon dahil sa direktor na si Joel Lamangan at sa mga co-star niya sa Rainbow’s Sunset, ang official entry ng Heaven’s Best Entertainment sa 44th Metro Manila Film Festival.

IMAGE Jerry Olea

Ikinuwento ni Sunshine na nagkaroon siya ng enlightenment nang marinig niya ang opinyon ni Joel tungkol sa pagiging single ng isang tao dahil single parent siya sa kasalukuyan.

“Sobrang malungkot na maging single parent pero sobrang na-enlighten ako sa presscon ng Rainbow’s Sunset.

“Direk Joel was asked if malungkot ba raw ang gays, especially sa sunset of their lives.

"Napakaganda ng sinabi ni Direk Joel na choice mo yun.

"Hindi mo puwedeng i-automatically assume na kapag single yung tao, malungkot ang buhay nila, kasi marami namang single na masaya sila at marami rin na married, pero hindi talaga sila masaya.

"Na-enlighten ako nang sinabi ni Direk Joel yun kasi, you know, honestly, in the three years... malungkot, oo, pero masaya rin ako,” sabi ni Sunshine.

Sina Gloria Romero at Aiko Melendez ang mga co-star ni Sunshine sa Rainbow’s Sunset at gaya niya, nakaranas din ng heartaches ang mga nabanggit na aktres.

“May kuwento nga si Tita Glo na they used to sleep in separate beds," pagtukoy ni Sunshine kay Gloria at sa yumaong asawa nitong si Juancho Gutierrez.

Patuloy niya, "Kay Ate Aiko, may kuwento rin ang buhay niya.

"How wonderful she has found someone who takes care of her. She’s happy and the guy’s happy.

"'Tapos si Tita Glo naman yung kuwento niya, unconditional love inspite of what happened ikaw pa ang nag-alaga."

Hindi pa ipinapa-annul ni Sunshine ang kasal nila ni Timothy dahil baka may pag-asa pang maayos ang kanilang relasyon, na isa mga pinakamagandang mangyayari sa buhay niya kapag natupad.

"Hindi pa sure. Hindi ko alam. Ayoko rin alisin sa sarili ko na baka may chance pa. Three years na rin.

"Matagal nang nakapag-move on pero siyempre lahat ng tao, pro-family.

"Kung kailangan ayusin, aayusin mo talaga,ilalaban," nagpakatotoong sabi ni Sunshine.

Kahanga-hanga ang Kapuso actress dahil ibang-iba na at mga positibo na ang mga pananaw niya tungkol sa buhay at pakikipagrelasyon kaya hangad namin na muling mabuo ang pamilya nila ni Timothy.

Nakausap ng Cabinet Files si Sunshine sa set ng Inagaw ng Bituin, ang upcoming afternoon drama television series ng GMA-7.

Kung pagbabatayan ang mga sinabi ni Sunshine, katulad din siya ni Gloria na umaapaw ang unconditional love para sa kanyang mga anak at estranged husband.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN