Jericho Rosales, true-to-life character ang role sa The Girl in the Orange Dress?

by Jojo Gabinete
Dec 22, 2018
PHOTO/S: Jojo Gabinete

True-to-life ang superstar-actor character ni Jericho Rosales sa The Girl in the Orange Dress, ang feel-good at romantic movie na official entry ng Quantum Films sa 44th Metro Manila Film Festival.

 IMAGE Jojo Gabinete

Tailor-made para kay Jericho ang kanyang role dahil bukod sa mahusay umarte at sikat na artista sa tunay na buhay, literal na nagmumura ang kaguwapuhan niya sa big screen.

Continue reading below ↓

Pero nang tanungin kung naguguwapuhan siya sa sarili kapag pinapanood niya ang kanyang mga eksena, mapagkumbabang sagot niya, "Hindi! Naiinis ako sa boses ko.

''Naiinis ako sa ano... wala, e.

''Siyempre, medyo kinikritiko ko ang sarili ko and tinitingnan ko muna yung movie kung papasa kay Kim [Jones, his wife]."

Hindi itinanggi ni Jericho ang obserbasyon ng Cabinet Files na tila Pinoy version ng Notting Hill ang The Girl in the Orange Dress pero malaki ang pagkakaiba ng kuwento.

Ang Notting Hill ay ang 1999 blockbuster movie nina Hugh Grant at Julia Roberts na tungkol sa isang ordinaryong lalake na nagustuhan at minahal ng isang sikat na aktres.

Pag-amin niya, "Jay [Abello, ang direktor ng The Girl in the Orange Dress] did mention one time that it was his dream to make something like that, and he was really honest about that naman.

"I watched Notting Hill again and naaalala ko. Two decades na yon, di ba?

Continue reading below ↓

''Timeless naman yung ganoong istorya and for us, it's nice to see something like that sa Filipino movie industry."

Tinanong namin kay Jericho ang pinakamahirap na parte nang gampanan niya ang artista role sa The Girl in the Orange Dress.

"Yun ang sinabi ko kay Jay na reluctancy ko, yung talagang kailangan sikat ka dito.

''Na-insecure ako.

"Na-insecure ako kasi I think it's a gift from God na lang na when we were filming this, biglang pumutok si Lino [his current character in Halik, ABS-CBN's top rating primetime drama series].

"Hit show siya na nakatulong na parang na-boost nang konti yung confidence ko.

''I must admit I have my sets of insecurities also.

"But then, nag-cross over na lang ako.

"I' m playing a character here. This is not me.

"This is not really me even though it's sobrang close sa buhay ko," paliwanag ni Jericho.

Continue reading below ↓

Bukod sa eksena kunsaan hinahabol siya ng fans, ano pa ang ibang eksena sa pelikula na nakaka-relate si Jericho?

"Actually, halos lahat, except yung gumising ako na may kasamang ibang babae," natawang sabi ni Jericho na malaki ang tsansang manalo ng Best Actor trophy sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2018 dahil sa kanyang natural na pagganap at honest and outstanding performance sa The Girl in the Orange Dress na pinagbibidahan din ni Jessy Mendiola.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results