Jessy Mendiola, proud sa pag-guest ni Luis Manzano at iba pang celebs sa MMFF movie niya

by Jojo Gabinete
Dec 22, 2018
PHOTO/S: Noel Orsal

Loaded ang schedule ngayon nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales dahil sa mga mall show nila sa Bulacan para sa The Girl in the Orange Dress na official entry sa 44th Metro Manila Film Festival.

 IMAGE Noel Orsal

Pero kahit sobrang busy sila, nagawa pa rin nilang sumaglit sa press preview ng kanilang pelikula sa Director's Club ng SM Megamall ngayong Sabado, December 22.

Continue reading below ↓

Nasa kalagitnaan na ng pelikula nang dumating sina Jessy at Jericho kaya minabuti nilang huwag nang manood para hindi mabitin ang kanilang pakiramdam.

Hinintay na lang nilang matapos ang preview bago sila pumasok sa loob ng sinehan at nagpainterbyu sa entertainment press.

Ang nag-iisang Christmas wish ni Jessy ay ang kumita ang The Girl in the Orange Dress, ang unang pelikula niyang kalahok sa MMFF 2018.

May dahilan para maging proud si Jessy dahil bidang-bida siya sa romantic movie ng Quantum Films.

May special participation sa The Girl in the Orange Dress sina Jennylyn Mercado, Boy Abunda, Luis Manzano, Derek Ramsay at ang girlfriend ni Derek na si Joanne Villablanca.

Nang biruin ni Jericho si Jessy na maraming block screening si Luis para sa pelikula nila ni Jessy, sumagot ito ng "Hindi, tatlo lang."

Muling pinairal ni Jericho ang pagiging komedyante niya nang sabihin niyang may monita at monito ang cast ng The Girl in the Orange Dress kaya nakahanda na ang ibibigay niyang "box of office" supplies.

Continue reading below ↓

Nang hindi makuha ng kanyang mga kausap ang joke niya, napilitan si Jericho na sabihin na "box office'' (success) ng pelikula nila ni Jessy ang tinutukoy niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results