Cristine Reyes at Xian Lim, pumalit sa Viva movie sana nina Claudine at Mark Anthony

by Jojo Gabinete
Jan 1, 2019
PHOTO/S: @xianlimm / @cristinereyes Instagram

Hindi na si Claudine Barretto at lalong hindi na si Bela Padilla ang bida sa bagong pelikula ng direktor na si Sigrid Andrea Bernardo sa Viva Films.

Una nang napabalita na ito sana ang reunion movie ni Claudine at ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, pero nagkaroon ng mga pagbabago.

Sina Cristine Reyes at Xian Lim na ang final choice para pagbidahan ang movie project, na hindi pa nabibigyan ng final title kaya tinawag muna na The Georgia Film Project.

 IMAGE @xianlimm / @cristinereyes Instagram
Continue reading below ↓

Ito ay sa kadahilanang sa Georgia nakatakdang kunan ang eksena ng pelikula ni Direk Sigfrid, na nakilala sa box-office hit na Kita Kita (2017)

Na-consider din si Derek Ramsay bilang kapareha ni Cristine sa The Georgia Film Project, pero hindi nag-materialize.

Ang movie teamup ni Xian kay Cristine ang ikatlong pelikula ng aktor sa Viva Films mula nang umalis siya sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ang blockbuster movie ni Sarah Geronimo na Miss Granny ang unang pelikula na kinabilangan ni Xian mula nang siya ay napasailalim sa roster of talents ng Viva. 

Susundan ito ng tambalan nina Xian at Louise delos Reyes sa Baka Hanggang Dito Na Lang, na may playdate sa February 6, 2019.

Si Bona Fajardo ang direktor ng Baka Hanggang Dito Na Lang, kung saan ang mga eksena ay kinunan sa Saga Prefecture sa Kyushu, Japan.

Sa parte naman ni Cristine, magiging abala rin siya ngayong 2019 sa paggawa ng pelikulang Maria. 

Continue reading below ↓

Ito ang hardcore action movie ng direktor na si Pedring Reyes na balak nitong isali sa mga international film festival.

Co-stars ni Cristine sa Maria sina KC Montero, Germaine de Leon, Jennifer Lee, at Cindy Miranda.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @xianlimm / @cristinereyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results