Aktor, naaliw na lang sa senior moment ng isang direktor

by Jojo Gabinete
Jan 2, 2019

Tawang-tawa at aliw na aliw ang isang aktor nang makita nito ang Facebook post ng direktor ng television series na tinatampukan niya.

Ang kanilang litrato na magkasama at kuha sa set ng television series ang ibinahagi ng direktor sa followers nito pero ang pangalan ng kapatid ng aktor ang inilagay niya na caption.

Continue reading below ↓

“Magpapakilala na lang ako uli kapag magkita kami,” ang natatawa na reaksyon ng aktor sa “senior moment" ng mahusay na direktor.

Ilang buwan nang magkatrabaho ang aktor at ang direktor kaya nakapagtataka na hindi matandaan ng huli ang pangalan at itsura ng artista niya.

Lumaki sa showbiz ang aktor kaya hindi siya madali na ma-offend. In fact, mapagbiro at friendly siya tulad ng kanyang ama kaya mahal siya ng co-actors niya at ng entertainment press.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Coincidentally, mapapanood sa kalaban na television series ng direktor ang kapatid ng aktor na mas naalaala niya ang pangalan, kahit hindi pa sila nagkakasama sa mga television assignment at pelikula.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results