Catriona Gray, nag-Pasko at Bagong Taon sa Pinas bago nagtungo sa New York

IMAGE @catriona_gray Instagram


Nasagot na ang katanungan ng avid supporters ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kung bakit wala pa itong update sa pagdating nito sa New York, na siyang headquarters ng Miss Universe organization.

 IMAGE @catriona_gray Instagram

Una nang nabalita na noong December 19 dumating si Catriona sa Pilipinas mula sa Bangkok, at kinabukasan, December 20, ay lumipad na ito patungong New York. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Huling namataan si Catriona sa isang charity event na pinuntahan niya sa Project 4, Quezon City, noong December 20.

Kagabi, January 2, lumitaw ang kaalamang hindi pala kaagad umalis ng bansa ang newly-crowned Miss Universe titlist, at nagkaroon pa siya ng pagkakataong ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

Mismong si Catriona ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram post. 

Pahayag ng dalaga, "Refreshed from a quiet holiday season with my loved ones, I've packed up my home in Manila and now I'm ready to move to my new home in New York City!! [lovestruck and statue of liberty emojis] I still can't believe it! @missuniverse [plane emoji]"

Kaya naman nasorpresa ang mga pasahero sa Centennial Terminal ng Ninoy Aquino International Airport nang dumating si Catriona, lalo pa't napapaligiran siya ng security personnel.

Sinasabing hindi nakalapit kay Catriona ang ibang mga pasahero na gustong magkaroon ng photo-op na kasama siya, kaya nakuntento na lamang sila na kunan ng video at litrato ang reigning Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Opisyal na magsisimula sa second week ng January 2019 ang mga obligasyon ni Catriona bilang Miss Universe.

Kabilang na rito ang inaabangang official homecoming parade niya dito sa Pilipinas.

Sa ngayon, looking forward si Catriona sa kanyang activities sa New York.

"I have to say I'm most nervous about experiencing the chill of NYC in winter [snowflake emoji] but would love to know, what are your recommendations to see, do and eat?! Let me know in the comments below!! #MissUniverse" dagdag ng beauty queen sa kanyang caption.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN