Banned ng mga casting agency ang controversial actor kaya hindi na ito nagkakaroon ng television commercials dahil sa pagsisinungaling niya.

Nakiusap ang aktor na after lunch na lang kunan ang kanyang mga eksena para sa sequel ng television commercial dahil sa family matter na kailangan niyang asikasuhin sa umaga.
Hindi pumayag ang mga tauhan ng advertising agency dahil bukod sa matagal nang naka-schedule ang commercial shoot, nakahanda na ang lahat at madaragdagan ang gastos kapag pinagbigyan nila ang kahilingan ng aktor.
Nalaman din ng advertising agency staff na nagsisinungaling ang aktor dahil isang showbiz commitment at walang kinalaman sa pamilya ang lakad na ipinagpapaalam niya.
Right there and then, pinalitan ang aktor ng naka-stand by na talent bilang lead star ng television commercial, at muntik na siyang mademanda dahil sa breach of contract.
Hindi natuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor dahil napagdesisyunan ng advertising agency at ng representative niyang huwag na lang bayaran ang talent fee para sa unang commercial na kanyang ginawa.
Walang choice ang aktor kundi tanggapin ang pasya ng advertising agency dahil mas malaki ang magiging problema niya kapag umabot sa korte ang usapin.
Mabilis na kumalat sa advertising world ang malaking perhuwisyo na ginawa ng aktor kaya, mula noon, hindi na siya binigyan ng mga television commercial.