Enchong Dee at Janine Gutierrez, nag-reunite sa Elise

Ang outstanding performances nina Janine Gutierrez at Enchong Dee sa pelikulang Elise ang pinupuri ni Regal Entertainment, Inc. producer Roselle Monteverde nang makausap ito ng Cabinet Files sa welcome party para kay former Senator Bong Revilla Jr. kaninang tanghali, January 9.

Ayon kay Roselle, magaling si Janine sa role nito sa Elise, ang opening salvo sa 2019 at Valentine offering ng Regal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Elise ang second movie team-up nina Janine at Enchong na unang nagkasama sa horror film na Lila noong 2016.

True story ang Elise, pero biopic romantic comedy at hindi ordinary drama love story movie ang paliwanag ni Enchong tungkol sa pelikula nila ni Janine na may playdate sa February 6, 2019.

"Nangyari siya sa tunay na buhay. It’s a biopic.

"Ang hirap kasi minsan, tatanungin ng tao, ‘posible ba ‘to? Nangyayari ba talaga ‘to?’

"The fact that it’s a love story na coming from a person na especially close kay Direk Joel Ferrer, I think yun ang part na maganda kasi may pinagbasehan kami na tunay na kuwento."

Kilala nang personal ni Joel ang mga karakter sa kuwento ng Elise na inspirasyon ng bagong pelikula niya kaya madali para sa kanyang sabihin na hindi love story ang Janine-Enchong starrer.

"It’s a long journey from start to finish. This is a story of finding your purpose in life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Elise talks about love, moving on, loving again, chasing and finding your dream, and your values."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN