"Sporting a brand new look" ang beauty queen-TV host na hindi agad nakilala ng entertainment press nang makita siya sa isang showbiz-related event.

Nagpakamalang foreigner ang beauty queen-TV host dahil sa blonde hair nito at nagbago na hugis ng kanyang ilong.
Malakas ang duda ng entertainment writers na sumailalim sa rhinoplasty surgery ang beauty queen-TV host dahil tumangos nang husto ang kanyang ilong, na dahilan ng biglang pagkakaroon niya ng deep set eyes
Nagmalisya ang entertainment writers na sinadya ng beauty queen-TV host na pakulayan ang kanyang dating itim na itim na buhok para ito ang mapansin at hindi ang malaking pagbabago sa kanyang mukha.
Ginawang basehan ng nosy entertainment reporters ang mga babaeng nagpapagupit ng buhok o iniiba ang hairstyle para hindi obvious na may ipinaretoke sa mukha nila.
Matagal nawala sa sirkulasyon ang beauty queen-TV host at sa pagbabalik nito, lalong tumingkad ang pagkakaroon niya ng beauty title dahil sa kanyang ganda na hindi inakala.