Janno Gibbs, inaming dumaan sa pagsubok noong 2018

by Jojo Gabinete
Jan 10, 2019
PHOTO/S: VAA Instagram

Reunited sa Unli Friends sina Janno Gibbs, Andrew E., at Dennis Padilla.

Vincent del Rosario, Janno Gibbs, Andrew E, Dennis Padilla, Veronique del Rosario, and Al Tantay
 IMAGE Viva Artists Agency Instagram

Ang Unli Friends ang upcoming comedy movie ng Viva Films na pagbibidahan nina Janno, Andrew, at Dennis.

Unang nagkasama ang tatlo sa Mahirap Maging Pogi noong 1992.

Continue reading below ↓

Nasundan ito ng Alabang Girls (1992) at Si Mokong, Si Astig at si Gamol (1997), na pawang mga project ng movie company ni Boss Vic del Rosario.

Nagkita ang tatlo sa story conference na ginanap sa Viva Films office kahapon, January 9.

Present sa storycon ng Unli Friends si Al Tantay dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pagdidirek ng reunion movie nina Andrew, Dennis, at Janno.

Hindi inililihim ni Janno na dumanas siya ng mga pagsubok noong nakaraang taon kaya malaking boost sa kanyang self-confidence ang pagkakaroon ng movie project sa home studio niya sa unang buwan ng 2019.

"So 2018 wasn’t a good year for me. Had more downs than ups.

"On the brighter side, I discovered a lot of you still root for me despite my failures... and that's more than enough reason to get up and try again," positibong pananaw ni Janno.

Bago sumapit ang Pasko noong nakaraang taon, may personal crisis na naranasan si Janno kaya nag-post ito sa Instagram account niya ng: “less judgment, more kindness, more compassion."

Continue reading below ↓

Buong-puso naman itong ipinagkaloob sa kanya ng mga tao na nakakaunawa sa mga pinagdaraanan ng singer-actor kaya nalampasan nito ang mga pagsubok.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: VAA Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results