Second team-up movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao, kasado na

Just A Stranger ang title ng second movie team-up nina Anne Curtis at Marco Gumabao na unang nagkasama sa Aurora, ang official entry ng Viva Films at Aliud Entertainment sa 44th Metro Manila Film Festival noong December 2018.

 IMAGE Jason Paul Laxamana

Hindi lamang sina Anne at Marco ang mga bida sa Just A Stranger na project ng direktor na si Jason Paul Laxamana, dahil kasama rin sa main cast si Edu Manzano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Edu ang one and only choice para sa importante na role kaya handa ang lahat na hintayin ang availability niya.

Ang Just A Stranger ang biggest 2019 project na nabanggit ni Marco sa presscon noon ng Aurora, pero hindi siya nagbigay ng ibang detalye hangga’t hindi nagkakaroon ng official announcement.

Ayon kay Anne, natagpuan na nila ang perfect leading man sa katauhan ni Marco at excited siya na muling makatrabaho ang aktor.

Nagsimula kahapon ang workshop nina Anne at Marco para sa Just A Stranger na sisimulan ang filming sa susunod na buwan.

Kukunan sa isang westernmost capital city ng mainland Europe ang mga eksena ng Just A Stranger na complicated love story ang plot.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN