Kyline Alcantara, Therese Malvar sasabak sa drama series with music

Kyline Alcantara, Therese Malvar sasabak sa drama series with music
by Jojo Gabinete
Feb 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Malinaw na inspired ng mga karakter sa Disney animated musical fantasy film na Frozen at Little Mermaid ang pangalan ng mga karakter nina Kyline Alcantara at Therese Malvar sa Inagaw Na Bituin, ang afternoon prime soap ng GMA-7 na mapapanood simula sa February 11, 2019.

Kyline Alcantara and Therese Malvar will star in Inagaw na Bituin
 IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anna at Elsa ang pangalan ng mga bida sa 2013 Disney movie na Frozen, at ito rin ang pangalan ng papel na ginagampanan ni Kyline sa Inagaw Na Bituin.

Anna ang tunay na pangalan ng karakter ni Kyline, pero naging biktima siya ng kidnapping, nagkaroon ng trauma, nabura ang memorya, kaya Elsa ang naging bagong pangalan niya.

Gaya ng role ni Kyline, singer din ang gagampanan ni Therese, ana siyang kontrabida sa buhay ni Anna/Elsa.

Ariella ang pangalan ni Therese, na tila hango sa pangalan ni Ariel, ang bida sa Little Mermaid ng Disney Films.

Si Mark Reyes ang direktor ng afternoon television series na pinagbibidahan nina Kyline at Therese.

Sa presscon na ginanap kagabi, February 1, sa GMA Network Inc., ipinaliwanag ni Reyes na drama series with music ang appropriate description sa Inagaw Na Bituin.

"GMA 7 has invested in a lot of new music for the series so hopefully, we’ll have an album as we move along, but what you would be hearing are two originals [composition] and several new songs coming up for the new series as well.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"But beyond the music is of course the drama that is very intriguing here," ang sabi ni Reyes na tiniyak na mabubusog ang mga manonood ng Inagaw Na Bituin kapag nag-umpisa ito sa February 11, 2019.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results