Enchong Dee napatalon nang mag-guest sa Eat Bulaga!

Eat Bulaga! host Vic Sotto (L), Dabarkad Alden Richards (R), with Kapamilya Enchong Dee
IMAGE Screen grab from Eat Bulaga!

Bakas sa mukha ni Enchong Dee ang kaba at excitement na nararamdaman sa unang guesting niya ngayon sa Eat Bulaga! bilang isa sa mga contestant ng game segment na "Boom."

Kasama ni Enchong na naglaro sa "Boom" ang kanyang Elise co-stars na sina Janine Gutierrez at Jackie Lou Blanco.

Si Enchong ang pangalawa sa mga isinalang sa "Boom," at nadagdagan ang kaba niya dahil ang pinakamahirap ang itinanong sa kanya: Sinu-sino sa mga anak ni Melandro Muli ang panganay?

Paolo Ballesteros kasama si Melandro Muli
IMAGE Screen grab from Eat Bulaga!


May siyam na asawa at labimpitong anak si Melandro kaya mahirap hulaan kung sino sa kanyang mga anak ang panganay, pero tagumpay ang unang pagtuntong ni Enchong sa studio ng Eat Bulaga! dahil tama ang lahat ng mga sagot niya.

Napatalon sa tuwa si Enchong nang matukoy nito ang lahat ng mga panganay na anak ni Melandro, at nang makuha ng team niya ang jackpot prize na PHP100,000.

Amused na amused naman si Vic Sotto nang marinig nito na siyam ang asawa at labimpito ang anak ni Melandro.

Enchong and Alden
IMAGE Screen grab from Eat Bulaga!

May kinalaman sa promo ng Elise ang first-time guesting ni Enchong sa noontime variety show ng GMA-7.

Ang Elise ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nina Enchong, Janine, at Jackie na mapapanood sa mga sinehan sa February 6, 2019.

News ang guesting ni Enchong sa Eat Bulaga! dahil ito ang unang television appearance niya sa programa ng rival network ng ABS-CBN pagkatapos ng renewal ng kanyang exclusive contract sa Kapamilya Network noong Martes, January 29, 2019.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN