Marco Gumabao, nag-confirm na sa second movie nila ni Anne Curtis

by Jojo Gabinete
Feb 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Hinintay muna ni Marco Gumabao na maganap ang story conference ng Just A Stranger bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin na kumpirmado na ang pagiging leading man niya sa pelikula ng Viva Films na pagbibidahan ni Anne Curtis.

 IMAGE Noel Orsal

Dati-rati, hesistant si Marco sa pagsagot kapag tinatanong siya tungkol sa muling pagsasama nila ni Anne sa isang movie project.

Continue reading below ↓

Unang nagtambal ang dalawa sa Aurora, ang official entry ng Viva Films at Aliud Entertainment sa 47th Metro Manila Film Festival noong December 2018.

Sa ginanap na story conference ng Just A Stranger, nahihiya na napangiti si Marco nang marinig nito ang mga papuri sa kanya ni Jason Paul Laxamana, ang direktor ng fifth movie niya sa kanyang home studio.

“I’ve done a lot of Viva films and may shortage of men sa Viva Artists Agency and I’m glad to say that Marcos is definitely… magandang addition sa roster of talents.

“He really has the potential to be one of the bankable leading men of Viva and we will really prove that dito sa Just A Stranger,” sabi ni Jason.

“I’m so happy na ako ang napili to do the role and I will be working with Anne for the second time.

Continue reading below ↓

“Yung role ko, first time ko na gaganap nang ganitong role.

“It’s exciting and at the same time, challenging. It’s gonna be fun,” sagot naman ni Marco tungkol sa pagpili sa kanya para gumanap na lover ni Anne sa Just A Stranger.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results