Jet Li, muling nagpakita ngayong Chinese New Year

Sa bihirang pagkakataon, muling nagpakita sa publiko ang Chinese action superstar na si Jet Li.

Isinabay niya ang pagpaparamdam sa pagdiriwang ngayon ng Chinese New Year.

Noong May 19, 2018, nabahala at nabulabog ang mga tagahanga ni Jet Li dahil hindi sila makapaniwalang malaki ang itinanda ng hitsura ng 55-year-old martial arts expert.

IMAGE Jet Li Instagram

Ang pagkakaroon ng spinal problems at hyperthyroidism ang dalawa sa mga dahilan sa drastic change sa physical appearance ni Jet Li, na sikat sa buong mundo at nagbida sa blockbuster Hollywood films na Romeo Must Die, Lethal Weapon 4, at Expendables 2.

Sa kanyang Chinese New Year Instagram post, hindi na mababakas sa mukha ni Jet Li na may pinagdaanan siyang health crisis noong nakaraang taon.

“Today is Chinese New Year. I wish all the friends around the world to be healthy and happy. All is good luck,” bahagi ng New Year’s message niya para sa lahat.

Nilagyan naman niya ng caption na "Happy Chinese New Year! 2019 is the year of the pig, and I hope it brings good health, fortune and happiness to you all" ang kanyang video greeting.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN