Lesbian director, natupad ang pangarap makarelasyon ang magandang aktres

Parang naka-jackpot sa lotto ang isang lesbian director dahil hindi nito inaasahang matutupad ang kanyang pangarap na makarelasyon ang magandang aktres na matagal na niyang hinahangaan.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Nagkalapit ang kalooban ng dalawa nang magkasama sila sa isang television show, at dito nagsimula ang kanilang mutual understanding na humantong sa relasyon.

Mula nang magkaroon ng kaugnayan, madalas nakikitang magkasama ang lesbian director at ang aktres sa mga okasyong imbitado sila.

Hindi na bago ang balitang pumapatol sa kapwa babae ang aktres dahil na-link na rin siya noon sa isang tomboy na walang koneksiyon sa showbiz kaya tahimik ang pagsasama nila.

Maligaya para sa lesbian director ang kanyang mga kaibigan dahil nakahanap siya ng babaeng muling mamahalin at, hopefully, makakasama niya sa habambuhay.

Mabait ang lesbian director kaya dalangin ng mga kaibigan nitong maging masaya sila ng kanyang girlfriend actress na hindi rin inililihim ang same-sex relationship.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN