Enzo Pineda, aminadong matindi ang pressure ngayong leading man na siya

Isang malaking biyaya para kay Enzo Pineda na siya ang napili bilang leading man ni Winwyn Marquez sa Time & Again, ang post-Valentine presentation ng Regal Entertainment, Inc. na mapapanood sa mga sinehan simula sa February 20, 2019.

Enzo Pineda & Winwyn Marquez
IMAGE Enzo Pineda Instagram

Ang Time & Again ang unang pelikula ni Enzo na siya ang bidang lalaki kaya masayang-masaya at grateful ang aktor sa tiwalang ibinigay sa kanya ng direktor na si Joey Reyes at ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, ang mga producer ng Regal Entertainment Inc.

"It feels great! Blessing ito para sa akin.

"I’m thankful na binigyan ako ng pagkakataon ng Regal Films and ni Direk Joey to be the leading man of this film. It’s a dream come true.

"Sobrang saya ko, but I know I have to keep myself grounded because there’s a lot of work to do.

"I’m glad that I’m able to do what I love and that is acting," pahayag ni Enzo.

Mixed emotions ang nararamdaman ng Kapamilya actor dahil matindi ang pressure na magbida sa isang pelikula.

"Oh yes, definitely [may pressure]. Mahirap magpakilig and being a leading man requires a strong on screen presence.

"I watched and studied a lot of local and foreign kilig films to enhance my acting skills."

Bakit dapat panoorin ang pelikula ninyo ni Winwyn?

Sagot ni Enzo, "Masarap ma-in love. Itong pelikula will spark that warmth inside you.

"Everybody has a crush and there are moments na we are just too shy to say what we feel and that’s the reason why we lost that person forever.

"This is a movie about love and second chances, there is a time aspect.”

Ano ang mga natutunan mo from Direk Joey Reyes?

"Direk Joey Reyes is such a kind and supportive soul, traits that inspire actors to bring out their best creative side."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN