Mark Herras, kinain ang sinabing si Winwyn Marquez na ang pakakasalan niya

Ang Cabinet Files lang yata ang hindi nagulat sa ipinagtapat ni Winwyn Marquez sa presscon ng Time & Again na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Mark Herras.

Bago pa naganap ang pag-amin ni Winwyn, may nagbulong sa aming tapos na ang relasyon nila ni Mark at magsasalita ang beauty queen-actress sa presscon ng pelikula ng Regal Entertainment, Inc.

Rinig na rinig sa apat na sulok ng Valencia Events Place ang “gasp” ng entertainment writers nang kumpirmahin ni Winwyn na wala itong Valentine date dahil single siya sa kasalukuyan.

Nakasama namin sina Mark at Winwyn sa isang wine-tasting party sa Sofitel noong July 2017.

May isang insidente kaming nasaksihan na nagbigay sa amin ng kutob na hahantong din sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Ito ay sa kabila ng mga pahayag ni Mark na si Winwyn ang babaeng pakakasalan niya at huling babae sa kanyang buhay.

Nagsalita si Mark sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay noong June 2016 na si Winwyn ang huling babae sa kanyang buhay.

Noong April 2017, muling sinabi ni Mark sa presscon ng D’Originals na sigurado na siya na si Winwyn ang babaeng pakakasalan niya.

Naiiba si Winwyn sa ibang mga aktres dahil sa admission niya sa presscon ng Time & Again na hiwalay na sila ni Mark.

Malayung-malayo ito sa eksena sa presscon ng The Hows of Us ng Star Cinema noong August 2018.

Inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa presscon ng kanilang pelikula na matagal na ang relasyon nila, na malaki ang naitulong sa box-office success ng The Hows of Us.

Ilang araw bago nagbukas kahapon, February 13, sa mga sinehan ang Alone/Together, isinapubliko nina Enrique Gil at Liza Soberano ang kanilang two-year-old love affair na nakatulong din para pilahan ng moviegoers ang pelikula nila.

Malalaman natin ang epekto ng pag-amin ni Winwyn na hiwalay na sila ni Mark sa pagbubukas sa mga sinehan sa February 20 ng Time & Again, ang pelikula ng Regal na pinagbibidahan nila ni Enzo Pineda.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN