Coleen Garcia, susundan ang mister na si Billy Crawford sa Viva

by Jojo Gabinete
Feb 16, 2019
PHOTO/S: Coleen Garcia Instagram

Si Coleen Garcia ang isa sa mga dating contract artist ng Star Magic na lilipat ngayong 2019 sa Viva Artists Agency (VAA), ang talent management agency ng Viva Group of Companies.

 IMAGE Coleen Garcia Instagram

Nauna nang lumipat sa VAA noong nakaraang buwan si Matteo Guidicelli, na hindi itinangging may kinalaman ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa desisyon niya.

Continue reading below ↓

Contract star si Sarah ng talent management agency ng Viva simula nang mag-umpisa ang showbiz career niya noong 2002.

Hindi naman maipagkakailang may impluwensiya ang kanyang asawa na si Billy Crawford sa pasya ni Coleen na ipagkatiwala sa VAA ang pamamahala sa showbiz career niya.

Naging opisyal ang pagiging VAA contract star ni Billy noong January 2018, tatlong buwan bago niya pinakasalan si Coleen sa Balesin Island noong April 20, 2018.

Nakatakdang maganap sa susunod na linggo ang contract signing ni Coleen sa Viva Artists Agency.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Coleen Garcia Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results