Karla Estrada, inalala ang intrigang nagpa-sex change daw siya noon

by Jojo Gabinete
Feb 17, 2019
PHOTO/S: Karla Estrada Instagram

Sa edad na 44, matalas na matalas pa rin ang memorya ni Karla Estrada dahil natatandaan nito ang nakaraan at ang mga kontrobersiyang pinagdaanan niya.

 IMAGE Karla Estrada Instagram

Sixteen years old si Karla nang magsimula ang kanyang showbiz career.

Hindi niya nakakalimutan na si Mother Lily Monteverde ang nagbigay sa kanya ng family screen name na Estrada nang maging member siya ng That’s Entertainment at ipinakilala bilang isa sa mga bida ng First Time… Like A Virgin, ang 1992 movie ng Regal Films na pinagbidahan nila nina Jackie Forster, Sunshine Cruz, at Shirley Fuentes.

Continue reading below ↓

Noong nagsisimula pa lang ang acting career ni Karla, ang tsismis na dati siyang lalaki na naging babae dahil sumailalim sa sex-change operation ang pinag-usapan nang husto na intriga tungkol sa kanya.

Sa grand presscon ng Familia Blondina ngayong hapon, February 17, si Karla pa ang nagpaalaala sa mga entertainment writer sa intrigang kinasangkutan niya at pinagpistahan noon ng publiko.

"Ilan dito ang nagsabi na nagpaopera ako noong ako 16 years old. Na dati akong lalaki ang mga tsismis," nakangiti at walang bahid na pagkapikon na sabi ni Karla.

Pinagdudahan ang tunay na kasarian niya dahil noon pa man, expert na siya sa gay lingo.

Ang Familia Blondina ang una at full-length comedy movie ni Karla dahil mga special appearance lang ang participation niya sa mga nakaraan na pelikula ni Vice Ganda.

Tinanggap ni Karla ang offer ng Arctic Sky Entertainment producer na si Dr. Dennis Aguirre na magbida siya sa Familia Blondina dahil sa kagustuhan niyang makagawa ng comedy film.

Continue reading below ↓

"Hindi pa ako nakakagawa ng comedy. Thirty years na ako sa showbiz next year, puro drama lang ako sa hapon, puro drama ang mga pelikula.

"E, sa totoong buhay, talagang sabi nila nakakatawa ako, pero tawang-tawa rin ako minsan sa sarili ko.

"Siguro mas mai-express ko yung aking sarili kung talagang ilalabas ko na lang yung totoong ako—yung talagang nakakatawa.

"Siyempre at 44, parang ini-squeeze ko na rin yung aking kakayanan, yung aking kokonti na lang na kabataan.

"Yung marami ka pang maikikilos sa pagdating sa pag-arte kasi marami ka pang gustong gawin."

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Karla Estrada
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
PHOTO/S: Karla Estrada Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results