Reklamadorang aktres, nagbantang lilipat kapag di naging mainstay sa top-rating shows

May banta ang aktres na lilipat sa ibang manager kapag hindi nagawan ng paraan ng talent management agency na namamahala sa career niya ang kanyang request na maging mainstay ng dalawang top-rating programs ng isang major television network.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Ipinaliwanag sa aktres ng mga representative ng talent management agency na gustuhin man nilang isali siya sa mga show na gusto niya, ang production staff pa rin ang magdedesisyon.

Hindi sineseryoso at pinagtatawanan na lang ang threat ng aktres dahil nasanay na ang tauhan ng mga talent management company sa kanyang mga reklamo.

Bukod sa hindi nawawalan ng complaints, malakas ang insecurity ng aktres sa newcomer sa showbiz pero bida agad sa isang television show.

Nang magkasama noon ang dalawa sa isang drama series, inireklamo rin ng insecure actress na mas dumarami ang mga eksena at exposure ng baguhang aktres kesa sa kanya.

Minsan nang napatunayan ng mga tao sa paligid ng newcomer actress na ang reklamadorang aktres ang nagkakalat ng mga intriga at malicious news laban sa kanya dahil sa sobrang inggit na nararamdaman.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN