Aktor, patagong nagbabantay sa taping ng girlfriend niyang aktres

Hindi inaamin ng aktor at aktres sa publiko ang kanilang relasyon para hindi maapektuhan ang mga showbiz career nila, pero madalas pa rin sila na nakikita na magkasama.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

In love na in love ang aktor sa aktres dahil kapag nakahahanap ng libreng oras, nagbabantay siya sa taping ng girlfriend niya.

Nag-iingat ang aktor dahil hindi ito lumalabas o bumababa ng sasakyan.

Pero matalas ang mga mata at pakiramdam ng production crew kaya walang puwedeng ilihim sa kanila.

Seloso ang aktor dahil ayaw nitong may mga romantic scene ang kanyang girlfriend sa kapareha nitong aktor sa isang television show.

Hindi umuubra ang kagustuhan ng aktor na seloso dahil hindi pumapayag ang production staff na makialam siya.

Minsan nang kinausap ng management ang aktor at aktres na maging discreet sa kanilang relasyon para maprotektahan ang love team na bini-build up at ginagastusan ng television network.

Sa mga interview, wagas ang denial ng aktor at aktres tungkol sa kanilang love affair, pero hindi sila paniniwalaan dahil ibang-iba ang sinasabi ng dalawa sa mga ginagawa nila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN