Dating isyu nina Kris at Korina, muling nabuhay dahil sa pagkakaroon ng twins ni Korina

by Jojo Gabinete
Feb 23, 2019
PHOTO/S: Instagram

Muling naungkat ang isyu tungkol sa maaanghang na salitang binitiwan ni Kris Aquino para kay Korina Sanchez dahil sa pagkakaroon nito ng kambal na anak, sina Pepe at Pilar, na ipinagbuntis sa pamamagitan ng gestational surrogacy.

 IMAGE Instagram

Noong April 23, 2018, nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng reaksiyon tungkol sa feature story ni Korina tungkol sa ex-husband niyang si James Yap at sa bagong pamilya nito na ipinalabas noong April 23, 2018 sa Rated K.

Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ni Kris ang feature story dahil sa kanyang paniniwala, nanadya si Korina, na tinawag niyang "misis ni Mar Roxas."

Isinumbat din ni Kris ang pagtulong niya at ng kanyang mga anak sa presidential campaign ni Mar noong 2016.

Marami ang nasaktan para kay Korina, lalo na ang mga kababaihan na hindi nabiyayaang magkaroon ng anak dahil sa Instagram post na ito ni Kris:

“But I will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who hasn’t had the privilege of motherhood."

Pero nang tila mahimasmasan, pinalitan ng former Queen of All Media ang kanyang statement:

"But I will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who has been blessed w/ a loving & devoted husband & does not know the hardship of having to go to it alone."

Continue reading below ↓

"Rewritten after some prayers" ang dahilang sinabi ni Kris sa desisyon nitong baguhin ang insensitive line na umani ng mga batikos mula sa publiko, lalo na sa barren women o mga kababaihang hindi pinalad na magbuntis at magkaroon ng anak.

View this post on Instagram

(Please listen to the song.) I know I’ve unleashed a double edged sword. I know i’ve made enemies, and i’ve also found kindred spirits in MOTHERS who like me have felt that they have had ENOUGH & they had to take a stand & say I AM NOW FIGHTING BACK. I also know i have personal demons i need to exorcise because no matter what i still want to be someone my sons can be proud of... so i will collect my thoughts & try my best to forgive regardless of the fact no remorse has ever been shown. I apologize for including politics, but that is the unfortunate baggage & responsibility of my last name. But i will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who has been blessed w/ a loving & devoted husband & does not know the hardship of having to go it alone (rewritten after some prayers)... I do sincerely apologize to my brother. And I apologize to President Duterte. And Mar, to you i am sorry. In the same way i would always wonder why i would be dragged into issues not of my doing- i was guilty of that tonight. I’ll be back after i have found my peace. Until then, to all those who still found it in their hearts to understand & embrace me & my sons- you have my eternal gratitude. #laban

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Read: Kris Aquino, binawi ang post tungkol sa hindi pagkakaroon ng anak ni Korina Sanchez

Nang pumutok ang balitang nagkaroon ng kambal na anak sina Mar at Korina, naalaala ng mga sympathizer ni Korina ang masakit na salitang natikman niya mula kay Kris.

Sinabi ng mga defender at supporter ni Korina na hindi man ito ang nagbuntis sa kanyang mga anak, 100 percent na sila ni Mar ang mga magulang nina Pepe at Pilar.

At ngayon, nagsisimula na si Korina na mag-enjoy sa pagiging tunay na ina kaya vindicated ang Rated K host.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results