Aktres, tinanggihan ng network executive dahil sa kanyang pagiging "negative"

Maraming beses nang nasangkot sa mga kontrobersiya ang isang aktres kaya nawalan siya ng mga movie at television assignment.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Tinalikuran din ang aktres ng mga tagahanga nitong naapektuhan ng mga eskandalo na nangyari sa personal at professional life niya.

Pinilit ng aktres na makabalik sa showbiz pero nabigo siya, kahit hiningi niya ang tulong ng mga influential personality sa entertainment industry.

Ang network executive na nag-produce noon ng top-rating television shows at blockbuster movies ng aktres ang naisip nitong lapitan para tulungan siyang i-revive ang kanyang gasping showbiz career.

Imbes na bigyan ng pag-asa, lalong nasaktan ang aktres nang sabihin ng network executive na "negative" siya dahil sa mga kontrobersiyal na pangyayari sa buhay niyang pinagpistahan ng publiko.

Nakapanghihinayang ang nangyari sa aktres dahil mahusay itong umarte, nanalo ng mga acting award.

Pero ang mga eskandalong pinagdaanan—hindi ang mga achievement at kontribusyon niya sa entertainment industry—ang tumatak sa mga movie producer at television executives na napagod sa pagbibigay sa kanya ng maraming pagkakataon.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN