Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

James Reid, may karapatan bang maging judge ng Idol Philippines?

by Jojo Gabinete
Feb 28, 2019
James Reid, CEO of his own music label Careless Music Manila, will serve as one of the judges. of Search for the Idol Philippines.
PHOTO/S: Idol Philippines Facebook

Kahapon, February 27, ng pangatlong araw na taping ni James Reid bilang isa sa apat na hurado ng Search for the Idol Philippines, ang talent competition ng ABS-CBN.

IMAGE Idol Philippines Facebook

Si Billy Crawford ang host ng show at sina Regine Velasquez, Vice Ganda at Moira dela Torre ang co-judges ni James.

Continue reading below ↓

"He’s happy to judge in Idol Philippines. Something new for him," sabi ni Caryl Ann Paraico, ang handler at confidante ni James.

"Nag-prepare si James at dumaan siya sa process. He was the last one to know.

"Pero when he found out, he just accepted it. No more questions."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakadagdag sa excitement ni James na makakatrabaho nito sa unang pagkakataon si Regine kaya grateful siya sa inclusion niya sa upcoming singing competition ng Kapamilya Network.

Siguradong magiging kumportable si James sa Idol Philippines company dahil nagkasama na sila ni Vice Ganda sa Beauty and the Bestie, ang pelikulang official entry sa Metro Manila Film Festival 2015.

Pareho rin sila ni Billy na contract stars ng Viva Artists Agency at may concert sila sa Smart Araneta Coliseum sa April 5, 2019, ang The Cr3W.

Incidentally, may mga nagtatanong at nang-iintriga sa karapatan ni James para maging judge ng Search for the Idol Philippines.

Continue reading below ↓

Nakakalimutan yata nilang siya ang winner sa Best Southeast Asia Act category ng MTV Europe Music Awards noong 2017.

Si James din ang nanalong Male Artist of the Year, Artist of the Year, at ang kanyang single na "Cool Down" ang Song of the Year ng 2018 MYX Music Awards.

Maging singer ang talagang pangarap ni James pero naging artista muna siya bago natupad ang ambisyon niyang magkaroon ng record album at sariling music label, ang Careless Music.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Reid, CEO of his own music label Careless Music Manila, will serve as one of the judges. of Search for the Idol Philippines.
PHOTO/S: Idol Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results