Rising male singer, tinanggal sa weekly show dahil sa pagsisinungaling


Ilang linggo nang hindi napapanood sa isang weekly musical variety show ang rising male singer kaya nagtataka ang kanyang mga taga-hanga sa sudden disappearance niya.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Reportedly, tinanggal sa show ang male singer dahil hindi siya naging matapat sa talent management company na namamahala sa showbiz career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Produkto at finalist ng talent singing competition ng isang major television network ang male singer.

Pero nang sumali ito sa contest, hindi niya ipinagtapat na may manager siya—isang multi-awarded songwriter at producer, na labag sa kontratang kanyang pinirmahan.

Ang ipinakita na dishonesty ng male singer ang mitsa para alisin siya sa show at bitawan ng talent management agency na disappointed sa inasal niya.

Hindi lamang nawalan ng weekly show ang male singer dahil hindi na rin siya kasali sa mga regional concert ng popular balladeer at ng singer-actress na mga kasama rin niya sa musical-variety program.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close