Super typhoon Rolly, lalong lumalakas habang papalapit ng Pilipinas

by Jojo Gabinete
Oct 30, 2020

Ibayong paghahanda at pag-iingat ang payo ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) sa ating mga kababayan dahil sa paparating na bagyo na pinangalanang Rolly.

Ang United States Air Force Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng United States Navy ang unang nagbigay ng babala tungkol sa pagiging super typhoon ni Rolly kapag nag-landfall ito sa Luzon.

Ngayong Biyernes ng umaga, October 30, nagbigay ng update ang weather specialist na si Loriedin dela Cruz ng PAGASA tungkol sa kilos ni Typhoon Rolly.

Pahayag niya, "Lumakas pa si Typhoon Rolly, at ngayon nga ay taglay niya ang lakas ng hangin na umaabot sa 140-kilometers per hour near the center, at ang kanyang pagbugso ay umaabot sa 170-kilometers per hour.

"So, in the past 24 hours, rapid intensification ang nangyari sa bagyo.

"Kahapon ng umaga ay nasa severe tropical category ito at kagabi lamang ay naging typhoon ito, hanggang sa lumakas at nadagdagan pa ang kanyang maximum sustained winds ngayong umaga. Umabot na 140-kilometers per hour."

Continue reading below ↓

Inaasahan daw ng PAGASA na sa mga susunod na oras at araw at patuloy na lalakas si Rolly, na may kalayuan pa ang distansiya sa lupa.

"May sapat na oras pa siya para lumakas. Nasa dagat siya at favorable ang kanyang environment condition for intensification.

"Medyo mainit ang dagat malapit sa ating bansa kung kaya’t mas lalong malakas ang posibilidad na lumakas pa si Typhoon Rolly.

"At kung mapapansin natin ang diametro nitong si Typhoon Rolly, ngayon ay nasa 360 kilometers.

"Hindi ito ganoong kalaki, pero darating ang oras sa mga susunod na araw, posibleng lumaki pa ang diametro, lalong-lalo na sa peak ng intensity nito."

Sinabi ni Dela Cruz na kung hindi man daanan ng mismong sentro ang landmass ng Bicol region, mahahagip naman ito ng diametro ng bagyo na malapit sa Bicol landmass na posibleng maghatid ng malalakas na hangin at pag-ulan, lalong-lalo na sa bahagi ng Kabikulan kaya itataas pa rin ang Tropical Cyclone wind signals.

Continue reading below ↓

Pinaghahanda ang ating mga kababayan dahil kahit hindi dumaan ang sentro ng bagyo, malaki pa rin ang tsansang manalanta ang mismong diametro ng bagyo o ang kalahating parte ni Typhoon Rolly.

Sa forecast ng PAGASA, ang westward o pakanluran na direksiyon ang tatahakin ni Typhoon Rolly. Inaasahang tutumbukin nito ang pagitan ng Central Luzon at Quezon Province.

Ayon kay Dela Cruz, "May nakikitang mga isla sa hilagang parte ng Camarines provinces na posibleng tamaan mismo ng eye wall ng diametro ni Typhoon Rolly kaya ibayong paghahanda at pag-iingat ang iminumungkahi sa mga residente, pati na sa Southern Luzon, Central Luzon, at ilang bahagi ng Northern Luzon.

"In the next 24 hours, inaasahan ang sentro ng bagyo na nasa layo na ng 895-kilometers, silangan ng Baler, Aurora.

"After two days ay nasa 445- kilometers silangan ng Infanta, Quezon.

"At sa Lunes, 75-kilometers hilagang kanluran ng Infanta, Quezon.

"At pagkalipas ng apat na araw, posibleng nasa labas na ng landmass, nasa layong 290-kilometers kanluran ng Dagupan City [Pangasinan].

Continue reading below ↓

"At sa Wednesday morning ay nasa labas na ng Philippine area of responsibility, 775-kilometers, kanluran ng Dagupan City,” dagdag na pahayag ni Dela Cruz tungkol sa kalamidad na papalapit sa Pilipinas.

Naghatid ng pangamba sa lahat ang balita tungkol kay Typhoon Rolly dahil nitong nakaraang linggo, katatapos pa lamang ng pananalanta ni Typhoon Quinta sa Central Luzon, Calabarzon, Region IV-B, Western, at Central Visayas.

Matinding paghahanda, pag-iingat at, higit sa lahat, taimtim na pagdarasal sa Panginoong Diyos ang mga dapat gawin ng ating mga kababayan dahil, ayon sa PAGASA, hindi dapat ipagwalang-bahala ang paparating na malakas na bagyo na may tsansang humina kapag nagkaroon ito ng engkuwentro sa Sierra Madre mountains.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results