Super typhoon Rolly, nagsimula nang manalasa; tropical storm Siony, parating na sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2020
Ito ang ilan sa mga eksenang in-inupload ng ilang netizens sa Twitter kaugnay ng pananalasa ni Super Typhoon Rolly sa Albay at Catanduanes.
PHOTO/S: Twitter

Nakataas sa Tropical Cyclone Signal No. 5 ang Albay at Camarines Sur dahil sa hagupit ni Super Typhoon Rolly, na itinuturing na pinakalamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2020.

Ayon sa latest Severe Weather Bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong umaga, November 1, nasa ilalim ng Tropical Signal Cyclone Signal No. 4 ang Metro Manila, Laguna; Batangas; Cavite; Catanduanes; Camarines Norte; hilagang bahagi ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Juban, Casiguran, Magallanes); Burias Island.

Pati na ang central at southern part ng Quezon (Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tayabas City, Sampaloc, Lucban, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Mulanay, Catanauan, General Luna, Macalelon, Pitogo); central at southern portions ng Rizal (Tanay, Antipolo City, San Mateo, Cainta, Taytay, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Baras, Jala-Jala, Pililla, Angono).

Continue reading below ↓

Signal No. 4 din sa Marinduque; northern portion ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton), ang northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog); at northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Pola, Victoria, Socorro, Pinamalayan).

POSSIBLE FLASH FLOODS

Inaasahan ang pagtaas ng Ipo Dam sa San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa malakas na buhos na ulan at hangin na dala ni Typhoon Rolly.

Pinaghahanda ang mga residente sa low-lying areas ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy na posibleng maapektuhan ng pag-apaw ng Angat River dahil sa spilling operation na gagawin sa Ipo Dam.

ROLLY MAKES LANDFALL IN ALBAY

Nag-second landfall ngayon sa Tiwi, Albay si Super Typhoon Rolly kaya nakararanas ng mapanganib na bayolenteng hangin at matinding pagbuhos ng ulan ang mga kababayan natin sa Bicol region.

Nitong Linggo ng umaga, nag-post si Sorsogon Governor Chiz Escudero ng video sa kanyang Twitter account para ipakita sa lahat ang napakalakas na hangin at ulan na dala ni Super Typhoon Rolly.

Continue reading below ↓

TYPHOON ATSANI

Samantala, muling nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surge dahil sa malakas na ulan at hangin na inaasahan sa loob ng labindalawang oras.

Bukod kay Typhoon Rolly na nananalanta ngayon sa Bicol Region at Central Luzon, nakatutok ang PAGASA kay Typhoon Atsani na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa darating na linggo.

Continue reading below ↓

Super typhoon din ang kategorya ni Atsani na bibigyan ng pangalan na Siony kapag dumating sa Pilipinas.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang ilan sa mga eksenang in-inupload ng ilang netizens sa Twitter kaugnay ng pananalasa ni Super Typhoon Rolly sa Albay at Catanduanes.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results