LRT, MRT, PNR operations suspended amid Ulysses onslaught

by Jet Hitosis
Nov 12, 2020
Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), and Philippine National Railways announce on the early morning of November 12 that they are temporarily suspending their operations "until further notice," as typhoon Ulysses hits Metro Manila.
PHOTO/S: PEP file

Pansamantalang tigil-operasyon ang mga tren sa Metro Manila ngayong Huwebes, November 12, 2020, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sa magkakahiwalay na advisories na ipinost nitong Huwebes ng madaling araw, suspendido ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, Metro Rail Transit (MRT) Lines 3, at Philippine National Railways (PNR) “until further notice.”

Continue reading below ↓

Ito ay dahil na rin sa isasagawang assessment ng pamunuan ng nabanggit na mass transit sa naging epekto ng matinding pananalasa ng Ulysses sa kani-kanilang pasilidad.

Inaasahang gagawin ang assessment pagkatapos ng bagyo, na patuloy na nananalasa sa Metro Manila hanggang nitong Huwebes ng tanghali.

“We will advise the resumption of railway operations once all systems check are done and cleared,” sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Libiran ngayong Huwebes.

Continue reading below ↓

SIGNAL NO. 3 IN THE METRO

Signal No. 3 sa Metro Manila simula noong Miyerkules ng gabi, November 11.

Signal No. 3 rin sa ilang bahagi ng Cavite, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Bataan, Pangasinan, at Zambales.

Ito ay ayon sa Severe Weather Bulletin No. 20 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na inilabas pasado 8:00 ng umaga ngayong Huwebes.

Signal No. 2 sa ilang lugar sa Isabela, La Union, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet; sa katimugang bahagi ng Ilocos Sur; sa natitirang bahagi ng Nueva Ecija at Bulacan; sa malaking bahagi ng Quezon, Rizal, Laguna, Batangas; sa ilang lugar sa Oriental at Occidental Mindoro.

Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Oriental at Occidental; sa Marinduque, Romblon; at sa ilang lalawigan sa Bicol, na una nang sinalanta ng magkasunod na mga bagyong Quinta at Rolly.

ULYSSES TO EXIT PAR FRIDAY

Ayon sa PAGASA, mananatiling maulan nang “heavy to intense with at times torrential rains” sa Metro Manila, Calabarzon (Region IV-A) at Central Luzon (Region III) hanggang ngayong Huwebes ng hapon.

Continue reading below ↓

Namataan ang Ulysses sa bayan ng Cabangan sa Zambales pasado 7:00 ng umaga kanina.

Ayon sa PAGASA, kumikilos ang Ulysses pakanluran-hilagang-kanluran patungong West Philippine Sea sa bilis na 130 kilometro kada oras.

Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng umaga o hapon, November 13, sabi ng PAGASA.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), and Philippine National Railways announce on the early morning of November 12 that they are temporarily suspending their operations "until further notice," as typhoon Ulysses hits Metro Manila.
PHOTO/S: PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results