SSS: December, 13th month pensions out next week

by Jet Hitosis
Nov 27, 2020
Social Security System announces that pensioners will receive their 13th month pension beginning December 1. Some are set to receive their monthly pension on December 1, while the others will get theirs on December 16.
PHOTO/S: unsplash.com

Mawi-withdraw na ng mga retirado ang kanilang buwanan at 13th month pensions mula sa Social Security System (SSS) simula sa Martes, December 1.

Ito ang inanunsiyo ni SSS President-Chief Executive Officer Aurora Ignacio sa isang press briefing nitong Miyerkules, November 25.

Batay sa taya ni Ignacio, at press time ay napondohan na ng SSS ang 13th month ng mga pensiyonado, na ire-release ng Development Bank of the Philippines (DBP).

“Ililipat na po namin sa DBP by today (Miyerkules) or tomorrow (Huwebes, November 26) iyong pondo para maibigay na nila sa mga bangko at maging withdrawable na siya on December 1,” sabi ni Ignacio.

Aniya, hinati sa dalawang batch ang tatanggap ng pensiyon ngayong buwan.

“So, 13th month and December pension will be on December 1, 'tapos po yung second batch ng pensioners will receive yung kanilang December pension ng December 16,” ani Ignacio.

Nitong October 2020 lang ipinatupad ng SSS ang bagong disbursement method para sa mga pensiyonado ng ahensiya.

Continue reading below ↓

Sa pakikipagtulungan ng DBP, inire-release na ngayon ng SSS ang buwanang pensiyon sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet).

Ang PESONet ay isang electronic fund transfer payments system para sa real-time na paglilipat ng pondo sa mga bangko, upang agarang matanggap ng recipient ang pera.

Maaari ring matanggap ang pensiyon sa tulong ng mga remittance transfer companies at cash payout outlets na accredited ng DBP.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social Security System announces that pensioners will receive their 13th month pension beginning December 1. Some are set to receive their monthly pension on December 1, while the others will get theirs on December 16.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results