Quiapo Church to do localized Black Nazarene feast 2021; Traslacion cancelled

by Jet Hitosis
Jan 4, 2021
Feast of Black Nazarene 2021
In the absence of the traditional Traslacion of the Black Nazarene on January 9, the Quiapo Church has decided to localize the observance of the annual religious event by bringing the image into several areas in Metro Manila and some provinces.
PHOTO/S: Quiapo Church on Facebook

Kanselado man ang taunang Traslacion ngayong taon, maaari pa ring ipagdiwang ang kapistahan ng Black Nazarene sa Sabado, January 9.

Ito ay dahil mismong ang pinaniniwalaang milagrosong Poon ang ililibot ng pamunuan ng Quiapo Church sa iba’t ibang lugar na saklaw ng Archdiocese of Manila, mga kalapit na diocese, at maging sa ilang probinsiya ngayong linggo.

Layunin nitong maiwasan ang mass gathering sa loob ng Quiapo Church sa Maynila sa Sabado.

Inanunsiyo ito ni Reverend Father Danichi Hui, parochial vicar ng Quiapo Church, nitong Linggo, January 3.

“We will bring the image of the Black Nazarene to different areas and in some provinces where they can celebrate novena masses and a fiesta mass,” saad sa press statement ni Fr. Hui.

“They can also hold a motorcade.

“Through this, we will spread out the celebration so devotees need not go to the Quiapo Church.”

December 31 pa sinimulan ng Black Nazarene ang pagbisita sa iba’t ibang kapilya at simbahan.

Continue reading below ↓

Nasa Hospicio de San Jose at Antipolo Cathedral ang Poon nitong December 31; nasa San Lazaro Hospital ng January 1; nasa Manila Cathedral at Shrine of Padre Pio nitong January 2; at nasa San Vicente Ferrer Parish sa Biñan, Laguna, Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan; at Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel sa Makati City noong January 3.

LOCALIZED OBSERVANCE OF THE FEAST OF THE BLACK NAZARENE

Ngayong Lunes, January 4, lumibot muna sa St. Joseph the Worker Cathedral sa San Jose City, Nueva Ecija ang Black Nazarene, ‘tsaka dumiretso sa Manila City Hall, at sa San Roque Parish sa Cavite City.

Bukas, Martes, January 5, magtutungo ang Poon sa Mother of Perpetual Help Parish sa Cabanatuan City, Nueva Ecija; sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City; gayundin sa San Isidro Parish sa Las Piñas City.

Sa Miyerkules, January 6, ang Black Nazarene ay nasa Cathedral of San Fernando sa Pampanga; sa Manila Police District (MPD) Headquarters; at sa Sto. Nino Parish sa Taguig City.

Continue reading below ↓

Sa Huwebes, January 7, ang Poon ay nasa Sto. Domingo Parish (Our Lady of La Naval Shrine) sa Quezon City at sa Baclaran Church (National Shrine of Our Mother of Perpetual Help) sa Parañaque City.

Ang tradisyunal na “Pahalik” sa imahen ng Black Nazarene ay pansamantalang papalitan ng “Pagtanaw” ngayong taon.

Simula nitong Pasko, December 25, naka-display sa balkonahe ng Quiapo Church ang replica ng Black Nazarene at malayang matatanaw mula roon.

MASSES FOR BLACK NAZARENE

Tuluy-tuloy rin ang siyam na araw na novena masses, na nagsimula nitong December 31 at magtatapos sa Biyernes, January 8.

Sa hiwalay na anunsiyo, sinabi ni Rev. Msgr. Hernando Coronel, rector ng Quiapo Church, na magdaraos ng 15 tuluy-tuloy na misa sa simbahan sa araw ng kapistahan sa Sabado.

Magsisimula ang misa ng 4:30 ng umaga, na pangungunahan ni Manila Archdiocese Apostolic Administrator Broderick Pabillo.

Ang huling misa ay idaraos ng 10:15 ng gabi, ayon pa kay Fr. Coronel.

Continue reading below ↓

Upang matiyak na malilimitahan ang dagsa ng mga deboto sa Sabado, magdaraos din ng iba pang mga misa para sa Black Nazarene sa mga simbahang malapit sa Quiapo Church.

May walong misang idaraos sa Sta. Cruz Church, anim sa San Sebastian Church, at tatlo sa Nazarene Catholic School, ayon kay Fr. Coronel.

SAFETY FIRST

Paalala naman ni Fr. Hui sa mga magsisimba, magsuot ng face mask at face shield, at ugaliing magkaroon ng physical distancing sa isa’t isa.

Pero para sa mas ligtas na pagdiriwang ng kapistahan ng Black Nazarene, mas makabubuti, ayon kay Fr. Hui, na manood na lang ng misa sa Facebook page at YouTube channel ng Quiapo Church.

Bawat taon, milyun-milyong deboto ang nakikiisa sa Traslacion, o grand procession, ng Mahal na Poong Nazareno, na karaniwang inaabot ng mahigit 20 oras.

Ilan sa mga celebrities na deboto ng Black Nazarene ay ang aktor na si Coco Martin, ang singer na si Angeline Quinto, at ang veteran broadcaster at dating bise presidente ng bansa na si Noli de Castro.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the absence of the traditional Traslacion of the Black Nazarene on January 9, the Quiapo Church has decided to localize the observance of the annual religious event by bringing the image into several areas in Metro Manila and some provinces.
PHOTO/S: Quiapo Church on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results