LRT-2 to resume Santolan to Anonas run by 1st quarter of 2021

by Jet Hitosis
Jan 13, 2021
LRT-Line 2
Light Rail Transit (LRT)-Line 2 stretches from Recto Avenue in Manila to Santolan in Marikina City.
PHOTO/S: LRT-2 on Twitter

Babalik na sa dati ang biyahe ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2 sa nalalapit na muling pagbubukas ng tatlong istasyon nito.

Ngayong first quarter ng 2021 nakatakdang magbalik-operasyon ang mga istasyon ng LRT-2 sa Santolan, Katipunan, at Anonas.

Hindi operational ang tatlong nabanggit na istasyon sa nakalipas na mahigit isang taon.

“The resumption of operations of Santolan, Katipunan, and Anonas stations which were closed after a fire damaged power rectifiers and some railway tracks, is slated this first quarter of 2021,” saad sa press statement ng Department of Transportation (DOTr).

Partikular na nasira sa sunog ang dalawang rectifier substations sa Katipunan at Anonas.

Dahil dito, isinara ang tatlong nabanggit na LRT-2 stations simula noong October 2019.

Ang Anonas at Katipunan stations ay nasasaklawan ng Quezon City, habang nasa Marikina City ang Santolan station.

LRT-2 TO OPEN A STATION IN ANTIPOLO

Bukod sa balik-operasyon ang tatlong LRT-2 stations, ibinalita ng DOTr na magiging operational na ang dalawang bagong istasyon na bahagi ng LRT-2 East Extension Project.

Continue reading below ↓

Ang mga bagong istasyon ng LRT-2 ay ang Emerald station sa Marikina at ang Masinag station sa Masinag Junction sa Antipolo City, Rizal.

Nakatakdang buksan ang mga ito sa publiko sa April 26, sabi ng DOTr.

Layunin ng LRT-2 East Extension Project na dagdagan pa ng apat na kilometro ang 13.8-kilometer train line ng LRT-2.

Ang orihinal na LRT-2 train line ay nagsisimula sa Recto Avenue sa Maynila at nagtatapos sa Santolan sa Marikina.

Sinabi ng DOTr na kapag nakumpleto na ang proyekto, mula sa tatlong oras na land travel, aabutin na lang ng 40 minuto ang biyahe mula sa Recto sa Maynila hanggang sa Masinag sa Antipolo.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Light Rail Transit (LRT)-Line 2 stretches from Recto Avenue in Manila to Santolan in Marikina City.
PHOTO/S: LRT-2 on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results