Pasig River Ferry opens stations for free rides

by Jet Hitosis
Jan 20, 2021
MMDA Pasig River Ferry Service
The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) is strictly enforcing the one-seat apart physical-distancing rule among the passengers of Pasig River Ferry Service.
PHOTO/S: MMDA Pasig River Ferry Service on Facebook

Libre ang sakay sa Pasig River Ferry Service para sa lahat.

Ito ang inanunsiyo nitong Martes, January 19, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang MMDA ang nangangasiwa sa Pasig River Ferry Service.

Bukas ang 11 istasyon ng Pasig River Ferry para tumanggap ng mga pasahero Lunes hanggang Linggo, simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Ang mga istasyon ng Pasig River Ferry ay ang mga sumusunod:

  • Pinagbuhatan, San Joaquin, at Maybunga sa Pasig City
  • Guadalupe at Valenzuela sa Makati City
  • Hulo sa Mandaluyong City
  • Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, at Escolta sa Maynila

Continue reading below ↓

Ang mga pasahero ay pinapayuhang magdala ng valid identification card (ID) at magsuot ng face mask at face shield.

Sasailalim din sa temperature check at magpi-fill-up ng manifest form at commuter information sheet bago sumakay sa ferry boat.

Sa loob ng ferry, ipatutupad ang one-seat apart na distansiya sa pagitan ng mga pasahero.

Ang mga ito ay alinsunod sa ipinatutupad na security at health protocols ng ferry service.

December 2020 nang simulan ng MMDA ang pag-aalok ng libreng sakay sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service.

Layunin nitong mabigyan ng alternatibo ang commuters para makaiwas sa matinding trapiko sa land travel.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) is strictly enforcing the one-seat apart physical-distancing rule among the passengers of Pasig River Ferry Service.
PHOTO/S: MMDA Pasig River Ferry Service on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results